Sunday, December 20, 2009

PRESO ACT 1

Stage Setting: 4 corner rehas steel na may size na 4 meters by 4 meters..at may pinto ito...tapos padlock...at isang table ng pang office..na may typewriter na luma...lagayan ng mga papeles..maraming papel...at 2 upuan sa harap at isang upuan ng pulis sa mesa..


Act 1

Kakaladkarin ng 2 pulis ang isang babae...wala syang ngipin at mga mid 30's..isa syang shabu adik na hinuli ng pulis dahil sa pagnanakaw ng wallet sa Palengke....pangalan nya ay si Marie...may apat na anak at asawa...

Marie: Bosing..pakawalan nyo ko...hindi ko ninakaw yung wallet...napasahan lang ako nun bosing....sige na po...

Pulis 1: Gago..putangina ka..ilang beses ka na pabalik balik dito...pati kami gagaguhin mo pa

Marie: Bosing..hindi nga ako yun ehhh

Pulis 2: Tumahimik ka...

At tinulak si Marie sa loob ng preso...at umupos sa sahig...at tatahimik...pamilyar si marie sa lugar na yun..ilang beses na din sya pabalik balik sa selda na yun...kabisado nya na bawat sulok dun..bawat isang pulgada ng sahig..kung san may biyak..ang mga ipis kung san dumadaan...

Umalis palabas ang mga pulis sa gilid....at lalabas ang hepe ng precinto...si sgt navarro...at uupo si sgt navarro sa silya nya..at mag aasikaso ng mga paper works at mga report...hindi nya na titigan si marie...sanay na si hepe sa mga preso...at hindi nya na ito sinisilip pa...pero minsan..kung mag sisigarilyo sya..dun lang sya titinting..at nakita nya nga si marie...

Hepe: oh andito ka nanaman?...tigil mo na kasi ang pag sa shabu mo...

Walang nag salita..naka titig lang si marie sa sahig...at bumubulong mag isa...hindi mo maintindihan sinasabi nya..pero maririnig mo ang salitang anak...yun lang....at si Hepe..mag papatuloy sa paninigarilyo nya...pag inom ng kape..at pag ta type ng mga report...


Didilim...at lalabas ang spotlight kay marie...hindi na makikita si hepe sa background...Nag sasalita si Marie...

Marie:

Gusto ko lang naman mag trabaho ehh...pero ayaw ako payagan ng anak ko...yun lang naman gusto ko ehh....eh ayaw nya..kinuha nya Id ko...kaya ano gagawin ko..ang sarap kaya mag sugal...saka tama ng droga....

Bakit ba sila ganun..wala naman akong ginagawa ehh....bakit ako yung kinukulong nyo...wala naman akong ginagawa...

Yung anak ko...hahaha...hindi nya binigay ID ko...eh akin naman yun..bakit hindi nya bnigay..mahal ko pa naman sya...bakit....

======================================================================================

At biglang may ingay...bukas ng pinto...at liliwanag...andito yung 2 pulis na may bitbit na isang lalake...medyo 30 plus na sya...naka bihis na pang mayaman ang porma..
At pinasok sa selda kung asan si Marie...nagka tinginan silang 2..medyo takot si Marco kay Marie...kasi nag sasalita pa din ito mag isa...

Pulis 1 : oh hepe..dyan na yan..kasi baka hubaran yan sa selda ng mga lalake..lalo na yan..mestiso...tepok yan ..

Hepe: Sige..ok lang yan...

Didilim....at ma focus ang ilaw ulit sa selda ni marie at marco...